Ang Purchasing ay ang mga estratehiya o paraan ng pagbili ng mga bagay para sa mga kailangan ng negosyo. Importanteng bahagi ng operasyon ito dahil ito ang magsasabi kung gaano kalaki ang mga gastos ng negosyo. Mahahati ito sa 3 bagay:

  • Cost Management - Ang pagbantay ng mga gastos ng kompanya. Kasama rito ang pagtingin kung parehas nga ba ang nakukuhang presyo ng kompanya sa mga ibang kompanya at kung gaano kalaki ang ginagastos sa pagbili ng gamit kumpara sa mga nakalipas na buwan o taon. Importante rin dito tingnan kung gaano kalaki ang ginagastos ng bawat departamento ng kompanya para makita kung gaano kalaki ang binibigay na tiwala sa mga departamento na iyon.
  • Supplier Management - Ito naman ang pag-alaga o pagpapalaki ng mga relasyon sa mga kompanya na nagbebenta ng raw materials. Bukod pa diyan, ang isa sa mga pinakamalaking bagay sa Supplier Management ang pag-grado ng mga supplier ng kompanya. Kailangan tingnan ang kalidad ng mga bagay na nabibili mula sa mga kompanya na ito para maisigurado na walang problema sa operasyon ng kompanya dahil sa mga suppliers.
  • Supply Management - Dito pumapasok ang tamang pagbili ng mga raw materials para hindi sumobra o kumulang ang imbentaryo. Importante rin dito ang pagbili ng mga materyales mula sa pinakamagandang mga supplier (base sa presyo, kalidad, o serbisyo). Dito rin pumapasok ang pag-iisip kung bibilin ba ang isang bagay o gagawin na lamang ng kompanya. Kailangan din dito ang tinatawagang market intelligence o alam tungkol sa mga ginagawa ng kakompetensiya.

Kadalasan, isang departamento na mismo ang humahawak ng karamihan ng purchasing ng isang kompanya ngunit may mga ibang kompanya rin na hinahati ang resbonsibilidad ng purchasing sa bawa't departamento. Malaki na responsibilidad ang purchasing at madalas na nagkakaroon ng pakikipag-ugnayan ang Purchasing Department sa mga ibang departamento ng kompanya.

  NODES
Done 1