Sa ekonomika, ang resesyon(recession) ay isang pag-urong o pagliit ng siklo ng negosyo(business cycle) na isang pangkalahatang pagbagal ng gawaing ekonomika. [1][2] Sa panahon ng mga resesyon, maraming mga tandang makroekonomika ay nagbabago sa parehong paraan. Ang produksiyon na sinusukat ng pangkalahatang produktong domestiko(GDP), trabaho, paggastos ng puhunan, paggamit ng kakayahan, kita ng sambahayan, mga tubo ng negosyo at lahat ng inplasyon ay bumabagsak samantalang ang pagkabangkarote at antas ng kawalang trabaho ay tumataas.

Ang mga resesyon ay pangkalahatang nangyayari kung may malawak na pagbagsak ng paggastos na karaniwang kasunod ng salungat na gulat ng suplay o pagputok ng bulang ekonomika. Ang mga pamahalaan ay karaniwang tumutugon sa mga resesyon sa pamamagitan ng pagpasa ng mga patakarang makroekonomika gaya ng pagpaparami ng suplay ng pera, pagpaparami ng paggastos ng pamahalaan at pagbabawas ng buwis.

Mga halimbawa

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. "Recession". Merriam-Webster Online Dictionary.
  2. Recession definition. 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-28. {{cite ensiklopedya}}: |work= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES