Ang isang ruta ng kalakalan ay isang magkakasunod na landas o mga daan na ginagamit para sa pagdadala o transportasyong pangkomersiyo ng mga kargada.

Ang pandaigdigang ruta ng kalakalan ay binuksan ng Imperyong Kastila at ng Imperyong Portuges noong ika-16 na siglo

Batay sa kasaysayan, nakita ng mga panahon magmula 1500 BC–1 AD ang pagkakaroon ng pag-unlad ng mga lambat ng pangunahing transportasyon na para sa kalakalan ng mga lipunan na nasa Kanlurang Asya, Tsina, at Indiyano.[1] Kabilang sa maagang mga rutang pangkalakalan ng Europa ang Daanang Amber, na nagsilbi bilang isang "network" para sa kalakalang pangmalayuan[2] Ang kalakalang maritima (kalakalang nasa tabing-dagat o malapit sa dagat na nasa kahabaan ng Ruta ng Panimpla ay naging bantog noong Gitnang Kapanahunan; tinangka ng mga nasyon na kontrolin ang maimpluwensiyang rutang ito.[3] Noong Gitnang Kapanahunan, tumaas ang kahalagahan ng mga organisasyong katulad ng Ligang Hanseatiko, na may layuning maprutektahan ang interes o kagustuhan ng mga mangangalakal at ng kalakalan.[4]

Sa makabagong kapanahunan, ang gawaing pangkomersiyo ay lumipat magmula sa mga pangunahing mga ruta ng kalakalan ng Matandang Mundo papunta sa mas bagong mga ruta na nasa pagitan ng mga makabagong mga estadong bansa. Ang gawaing ito ay paminsan-minsang isinasagawa na walang nakaugaliang pagprutekta ng pangangalakal at nasa ilalim ng mga kasunduan ng pandaigdigang kalakalang malaya, na nagpahintulot sa mga kalakal na pangkalakal na makatawid sa mga hangganan na mayroong banayad na mga restriksiyon o pagbabawal.[5] Ang mga transportasyong inobatibo ng modernong panahon ay kinabibilangan ng transporte o pagpapadala sa pamamagitan ng mga guhit ng tubo (linya ng tubo), at ang manaka-nakang nakikilalang pangangalakal na gumagamit ng mga rutang daambakal, mga awtomobil, at mga linyang panghihimpapawid na pangkargada.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Denemark 2000: 274
  2. Burns 2003: 213
  3. Donkin 2003: 169
  4. Dollinger 1999: 62
  5. free trade. The Columbia Encyclopedia, Sixth Edition. 2001-05.

Talaaklatan

baguhin
  • Burns, Thomas Samuel (2003). Rome and the Barbarians, 100 B.C.-A.D. 400. Johns Hopkins University Press. ISBN 0801873061.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Denemark, Robert Allen; el al. (2000). World System History: The Social Science of Long-Term Change. Routledge. ISBN 0415232767.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Dollinger, Philippe (1999). The German Hansa. Routledge. ISBN 041519072X.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Donkin, Robin A. (2003). Between East and West: The Moluccas and the Traffic in Spices Up to the Arrival of Europeans. Diane Publishing Company. ISBN 0871692481.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  NODES