Ang sahod o pasahod (Ingles: salary), na tinatawag ding gana (literal na gain sa Ingles), ganansya, at paga (batay sa Kastilang may kahulugang "bayad"), ay isang uri ng umuulit na pagbabayad mula sa sa isang tagapagpahanapbuhay o tagapagpatrabaho papunta sa isang naghahanapbuhay o manggagawa (trabahador), na maaaring tinukoy sa isang kontratang panghanapbuhay. Ipinagkakaiba ito sa mga pira-pirasong pagbabayad (piece wage) na kung saan ang bawat isang gawain o trabaho ay binabayaran ng hiwa-hiwalay, maging kada oras o ibang yunit ng pagsusukat ng panahon, sa halip na paulit-ulit (katulad ng buwanang sahod). Ang sahod ay tinatawag ding perang pinagpaguran, upa, paupa, bayad, o pabuya, kaya’t ito ay ang kinita ng mga manggagawa.

Mula sa pananaw na pangnegosyo, ang pasahod ay maaaring tanawin bilang isang halaga ng pagkuha ng nakukuhang tauhan para sa pagpapatakbo ng mga gawaing pangnegosyo, na tinatawag naming gastos na pangtauhan o gastos sa pasuweldo. Sa akawnting, ang mga sahod ay itinatala sa isang kuwento o akawnt ng pasahod o payroll kung tawagin sa Ingles.

Kasaysayan

baguhin

Unang pagbabayad ng sahod

baguhin

Bagaman walang resibo ng pasahod (resibo ng pagbabayad) o paycheck (tseke ng pasahod) para sa unang pagbabayad na panggawain, ang unang sinuwelduhang trabaho ay maaaring nangailangan ng isang lipunan ng tao na sapat na may kasulungan upang magkaroon ng sistema ng barter upang mapahintulutan ang pagpapalitan ng trabaho at ng mabubuting mga dala-dalahin (goods) o iba pang mga gawain. Mas mahalaga pa, hinihinuha ang pagkakaroon ng organisadong mga tagapagpahanapbuhay — maaaring isang pamahalaan o isang katawang pangpananampalataya — na maglalaan ng mga pagpapalitan na pangtrabahong may sahod na nasa loob ng isang sapat na pag-ulit upang mailarawan bilang sinahurang patrabaho. Mula rito, marami ang naniniwala na ang unang suweldo ay maaaring binayaran sa isang nayon o lungsod noong panahon ng Rebolusyong Neolitiko, na maaaring nasa pagitan ng 10,000 BK at 6000 BK.

Isang lapidang yari sa putik ang mayroong nilalamang inukit sa anyong cuneiform, na pinetsahang isinulat noong BK 3100 ang nagbibigay ng isang pagtatala ng pang-araw-araw na rasyon ng mga serbesa para sa mga manggagawa sa Mesopotamia. Ang serbesa ay kinakatawan ng isang patindig na banga o tapayan na may matulis na paanan o pang-ilalim na bahagi. Ang sagisag para sa mga rasyon ay isang ulo ng tao na kumakain mula sa isang mangkok. Ang mga impresyon o mga bakat ay kumakatawan sa mga pagsusukat.[1]

Sa panahong naisulat na ang Hebreong Aklat ni Ezra (550 hanggang 450 BK), ang asin magmula sa isang tao ay kasingkahulugan ng pagtanggap ng sustansiya, pagtanggap ng bayad, o pagiging nasa katayuan ng paglilingkod para sa isang taong nagbabayad. Noong mga panahong iyon, ang produksiyon ng asin ay mahigpit na tinatabanan ng monarkiya o namumunong mga may-kapangyarihan sa lipunan. Depende sa translasyon o pagkakaunawa sa Ezra 4:14, ang mga tagapaglingkod o tagapagsilbi ni Haring Artaxerxes I ng Persiya ay may kasamu’t sarian ang kanilang papaliwanag ng kanilang katapatan, bilang "dahil sa kami ay inasnan ng asin ng palasyo" o kaya "dahil mayroon kaming pampananatili mula sa hari" o dili kaya "dahil kami ang bahala sa hari" (may kahulugang “may obligasyon kami sa hari”).

Ang Romanong salita na salarium

baguhin

Kahalintulad pa, ang salitang Romano na salarium ay nag-ugnay sa pagkakaroon ng trabaho, asin, at mga sundalo, subalit malabo ang tumpak na kaugnayan. Ang pinakamababang pangkaraniwang hinuha ay ang salitang soldier sa Ingles, na may kahulugang sundalo o kawal, ay nagbuhat sa Latin na sal dare (na ang ibig sabihin ay “magbigay ng asin”). Sa isa pang banda, isinaad ng Romanong manunulat ng kasaysayan na si Pliny ang Nakatatanda bilang isang pahimakas sa kanyang pagtalakay sa loob ng inakdaan niyang Likas na Kasaysayan ng hinggil sa tubig-dagat, na "[S]a Roma… ang sahod ng sundalo ay orihinal na asin at ang salitang salaryo ay nagmula rito…"[2] May ibang nagtatala na ang salitang Ingles na soldier ay mas malamang na hinango mula sa gintong solidus, na nalalamang ginamit na pambayad sa mga sundalo, at pinanatili sa halip na ang salarium ay maaaring isang baon o allowance[3] para sa pagbili ng asin o kaya bilang halaga ng pagkakaroon ng mga kawal[4] na nananakop ng mga pampuno o napagkukunan ng asin, at bilang mga bantay sa tinatawag na mga “Daanan ng Asin”[5] (Via Salarium) na papunta sa Roma.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Early writing tablet recording the allocation of beer, British Museum. "BBC History of the World in 100 Objects". Nakuha noong 2010 - 11 - 11. {{cite web}}: Check date values in: |accessdate= (tulong)
  2. Plinius Naturalis Historia XXXI.
  3. salary, etymonline.com
  4. salt, salt.org
  5. salt, salt.org
  NODES
os 5
web 1