Ang Salekhard (Ruso: Салеха́рд; Khanty: Пуӆңават, Pułñawat; Nenets: Саляʼ харад, Salja’ harad - literal na bahay sa isang tangway) ay isang lungsod at kabisera ng Yamalo-Nenets Autonomous Okrug, Rusya. Tumatawid ito sa Bilog ng Artiko, at umaabot ang pangunahing mga bahagi ng lungsod nang isang kilometro (0.62 milya) patimog at umaabot naman ang mga naik sa hilaga ng bilog.

Salekhard

Салехард
Watawat ng Salekhard
Watawat
Eskudo de armas ng Salekhard
Eskudo de armas
Lokasyon ng Salekhard
Map
Salekhard is located in Russia
Salekhard
Salekhard
Lokasyon ng Salekhard
Salekhard is located in Yamalo-Nenets Autonomous Okrug
Salekhard
Salekhard
Salekhard (Yamalo-Nenets Autonomous Okrug)
Mga koordinado: 66°32′N 66°36′E / 66.533°N 66.600°E / 66.533; 66.600
BansaRusya
Kasakupang pederalYamalo-Nenets Autonomous Okrug[1]
Itinatag1595
Katayuang lungsod mula noong1938
Pamahalaan
 • AlkaldeAlexander Spirin
Lawak
 • Kabuuan84.50 km2 (32.63 milya kuwadrado)
Taas
15 m (49 tal)
Populasyon
 (Senso noong 2010)[2]
 • Kabuuan42,544
 • Taya 
(2018)
49 214
 • Kapal500/km2 (1,300/milya kuwadrado)
 • Subordinado saLungsod ng kahalagahang okrug ng Salekhard[1]
 • Kabisera ngYamalo-Nenets Autonomous Okrug[1], Lungsod ng kahalagahang okrug ng Salekhard[1]
 • Urbanong okrugSalekhard Urban Okrug[3]
 • Kabisera ngSalekhard Urban Okrug[3]
Sona ng orasUTC+5 ([4])
(Mga) kodigong postal[5]
629000
(Mga) kodigong pantawag+7 34922[6]
OKTMO ID71951000001
Mga kakambal na lungsodAzovBaguhin ito sa Wikidata
Websaytsalekhard.org

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang pamayanan ng Obdorsk (Обдорск) noong 1595, sa sityo ng isang pamayanang Khanty na tinatawag na Polnovat-Vozh (Полноват-вож), ng mga Rusong nakikipamayan kasunod ng paglupig ng Siberia. Matatagpuan ito noon sa Ilog Ob, at pinaniniwalaang hinango rito ang pangalan nito. Kinilala ang lupa sa paligid ng Obdorsk bilang Obdorsky krai o Obdoriya.

Madalas na ginamit ang pamayanan bilang lugar ng pagtapon (exile) noong mga panahong Tsar at Sobyet. Kabilang sa mga kilalang tao na lumagi rito ay ang pinunong espirituwal ng Doukhobor na si Pyotr Verigin at ang manghihimagsik na si Leon Trotsky. Ang paligid ng lungsod ay may tatlong mga kampong Sobyet kung saang piniit ang humigit-kumulang 6,500 mga bilanggo na hinuli at pinatapon dito dahil sa kanilang paniniwala sa Diyos.[7] Sa pantalan ng Salekhard, humigit-kumulang 1,500 mga bilanggo ay naglulan at nagbaba ng mga produkto sa pantalan, o nagmina ng mga inambato ng metal. Humigit-kumulang 5,000 mga bilanggo sa dalawang mga kampo malapit sa Salekhard naman ay itinalaga sa pagpapakintab ng mga diyamanteng buhat ng minahan ng Mir.

Noong Disyembre 10, 1930, ang Obdorsk ay naging sentrong pampangasiwaan ng bagong Pambansang Okrug ng Yamal (Nenets). Binigyan ito ng bagong pangalan na Salekhard noong 1933, at ginawaran ng katayuang panlungsod noong 1938.

Ang pinakamalapit na estasyong daambakal ay sa Labytnangi sa kabilang panig ng Ilog Ob. Mula 1949 hanggang 1953, ang proyektong Daambakal ng Salekhard-Igarka ay nakagawa ng hindi matagumpay na tangka upang idugtong ang linya patungong Igarka. Ikinasawi ito ng daan-daang mga bilanggong Gulag.[8] Natapos ang bahagi mula Salekhard hanggang Nadym at ginamit nang ilang beses noong panahong Sobyet, bagamat iniwan ito paglaon. Kasalukuyan[kailan?] itong itinatayo muli, kasama ang matagal nang hinihintay na tulay sa kahabaan ng Ilog Ob sa pagitan ng Labytnangi at Salekhard.

Noong Abril 2014, tinapos ng Rostelecom, ang Rusong tagapaglaan ng serbisyong Internet, ang huling kahabaan ng optikal na linyang Internet ng Nadym-Salekhard. May haba itong halos na 3,500 kilometro (2175 milya).[9]

Noong tag-init ng 2016, pagkaraang umaabot ang temperatura sa 35 °C (95 °F) na nagpatunaw sa mga bangkay na nahawaan ng anthrax na naging yelo mula pa noong 1941 malapit sa lungsod, kumalat ang mga butong-binhi (spores) ng anthrax na ikinahawa ng mga kawan ng reyndir at mga nag-aalaga ng hayop.[10]

Ang Salekhard ay may klimang subartiko (Köppen climate classification Dfc) na may maigsi ngunit banayad na mga tag-init at napakaginaw na mga taglamig. Katamtaman ang pag-uulan na mas marami sa tag-init kaysa sa taglamig.

Datos ng klima para sa Salekhard
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Sukdulang taas °S (°P) 3.5
(38.3)
3.3
(37.9)
5.7
(42.3)
15.5
(59.9)
24.5
(76.1)
31.6
(88.9)
32.9
(91.2)
29.9
(85.8)
24.8
(76.6)
18.2
(64.8)
7.0
(44.6)
4.1
(39.4)
32.9
(91.2)
Katamtamang taas °S (°P) −18.8
(−1.8)
−18.5
(−1.3)
−9.9
(14.2)
−4
(25)
3.7
(38.7)
14.3
(57.7)
19.7
(67.5)
15.7
(60.3)
8.8
(47.8)
−0.2
(31.6)
−11.3
(11.7)
−16.2
(2.8)
−1.39
(29.52)
Arawang tamtaman °S (°P) −23.2
(−9.8)
−22.9
(−9.2)
−14.9
(5.2)
−9.1
(15.6)
−0.5
(31.1)
9.5
(49.1)
14.8
(58.6)
11.4
(52.5)
5.3
(41.5)
−3.0
(26.6)
−15.3
(4.5)
−20.7
(−5.3)
−5.72
(21.7)
Katamtamang baba °S (°P) −27.8
(−18)
−27.4
(−17.3)
−19.9
(−3.8)
−14
(7)
−4.2
(24.4)
5.2
(41.4)
10.0
(50)
7.3
(45.1)
2.2
(36)
−6
(21)
−19.5
(−3.1)
−25.2
(−13.4)
−9.94
(14.11)
Sukdulang baba °S (°P) −51.3
(−60.3)
−53.7
(−64.7)
−47.4
(−53.3)
−38.7
(−37.7)
−30.8
(−23.4)
−11
(12)
−1
(30)
−5.5
(22.1)
−9.6
(14.7)
−35.7
(−32.3)
−47.1
(−52.8)
−51.5
(−60.7)
−53.7
(−64.7)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 23
(0.91)
19
(0.75)
21
(0.83)
26
(1.02)
37
(1.46)
51
(2.01)
65
(2.56)
69
(2.72)
42
(1.65)
46
(1.81)
28
(1.1)
27
(1.06)
454
(17.88)
Araw ng katamtamang pag-ulan 0.1 0 0.5 3 10 17 18 21 20 9 1 0 99.6
Araw ng katamtamang pag-niyebe 26 23 23 16 13 2 0 0 3 17 24 27 174
Katamtamang kahalumigmigang relatibo (%) 83 82 81 78 77 70 72 79 82 86 85 83 79.8
Buwanang tamtaman ng sikat ng araw 4.0 48.0 135.0 209.0 233.0 270.0 307.0 185.0 96.0 57.0 18.0 0.0 1,562
Sanggunian #1: Pogoda.ru.net[11]
Sanggunian #2: NOAA (sun only, 1961-1990)[12]

Demograpiya

baguhin
 
Pambansang Aklatan ng Yamalo-Nenets Autonomous Okrug
Historical population
TaonPop.±%
1939 12,764—    
1959 16,567+29.8%
1970 21,929+32.4%
1979 24,935+13.7%
1989 32,334+29.7%
2002 36,827+13.9%
2010 42,544+15.5%
Senso 2010: [2]; Senso 2002: [13]; Senso 1989: [14]

Ekonomiya

baguhin

Ang himpilan ng Yamal Airlines ay nasa Salekhard.[15]

Pagsapit ng taong 2015, ipinapanukala ng mga awtoridad na magtayo ng isang malaking pampolong liwaliwan (polar resort) mga 3 kilometro (1.9 milya) mula sa paliparan, malapit sa Bilog ng Artiko, upang gawing "sentro ng Artikong turismo" ang lungsod.

Transportasyon

baguhin

Ang lungsod ay pinaglilingkuran ng Paliparan ng Salekhard, kung saang dumadaan dito ang malayuang mga pasahero.

Ang pinakamalapit na daambakal ay nasa Labytnangi (sa Daambakal ng Salekhard–Igarka) sa kabilang panig ng Ilog Ob. Kasalukuyang itinatayo ang matagal nang inaasam na tulay sa kahabaan ng Ob sa pagitan ng Labytnangi at Salekhard.

Magmula noong 2010, maaaring tumawid ang mga sasakyan at trak sa ilog sa pamamagitan ng pagmaneho sa kahabaan ng nagyeyelong ilog sa loob ng siyam hanggang sampung buwan sa isang taon. Sa tag-init pinapatakbo ang isang ferry, "ngunit dalawang beses sa isang taon, tuwing naglulutang ang yelo, namumuhay ang Salekhard sa paraang nagsasarili, ganap na hiwalay mula sa buong mundo, ukol sa kargamento. Tanging helikopter lamang kapag may biglang pangangailangan. Ang pampook na mga tao ay laging nag-iimbak ng mga pagkain sa bahay, sa mga tindahan, sa pamilihan para sa panahong ito, ngunit sila ay nakararanas pa rin ng paminsan-minsang pagtaas ng presyo."[16]

Matatagpuan ang Salekhard sa nakapanukalang ruta ng Northern Latitudinal Railway, at itatayo ang isang tulay sa lungsod na ito sa ibabaw ng Ilog Ob.[17]

Mga pandaigdigang ugnayan

baguhin

Mga kambal at kapatid na lungsod

baguhin

Magkakambal ang Salekhard sa:

Mga kawing panlabas

baguhin

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 Law #42-ZAO
  2. 2.0 2.1 Russian Federal State Statistics Service (2011). "Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1]. Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Law #26-ZAO
  4. "Об исчислении времени". Официальный интернет-портал правовой информации (sa wikang Ruso). 3 Hunyo 2011. Nakuha noong 19 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Почта России. Информационно-вычислительный центр ОАСУ РПО. (Russian Post). Поиск объектов почтовой связи (Postal Objects Search) (sa Ruso)
  6. Телефонные коды городов (sa wikang Ruso). Retrieved 2010-09-24.
  7. Thomas, George. "Stalin's 'Railroad of Death' Witnesses Revival". CBN News. Nakuha noong 27 Mayo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Gonzales, Daria (7 Hunyo 2012). "A living city among dead roads". RBTH. Nakuha noong 9 Hulyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Rostelecom to expand network in Yamal". www.telecompaper.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-02-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Alec Luhn (Agosto 1, 2016). "Anthrax outbreak triggered by climate change kills boy in Arctic Circle Seventy-two nomadic herders, including 41 children, were hospitalised in far north Russia after the region began experiencing abnormally high temperatures". The Guardian. Nakuha noong Agosto 4, 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Pogoda.ru.net - Climate Data for Salekhard" (sa wikang Ruso). Nakuha noong Mayo 16, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Salekhard Climate Normals 1961-1990". National Oceanic and Atmospheric Administration. Nakuha noong Enero 18, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Russian Federal State Statistics Service (21 Mayo 2004). "Численность населения России, субъектов Российской Федерации в составе федеральных округов, районов, городских поселений, сельских населённых пунктов – районных центров и сельских населённых пунктов с населением 3 тысячи и более человек" [Population of Russia, Its Federal Districts, Federal Subjects, Districts, Urban Localities, Rural Localities—Administrative Centers, and Rural Localities with Population of Over 3,000] (XLS). Всероссийская перепись населения 2002 года [All-Russia Population Census of 2002] (sa wikang Ruso). {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Всесоюзная перепись населения 1989 г. Численность наличного населения союзных и автономных республик, автономных областей и округов, краёв, областей, районов, городских поселений и сёл-райцентров" [All Union Population Census of 1989: Present Population of Union and Autonomous Republics, Autonomous Oblasts and Okrugs, Krais, Oblasts, Districts, Urban Settlements, and Villages Serving as District Administrative Centers]. Всесоюзная перепись населения 1989 года [All-Union Population Census of 1989] (sa wikang Ruso). Институт демографии Национального исследовательского университета: Высшая школа экономики [Institute of Demography at the National Research University: Higher School of Economics]. 1989 – sa pamamagitan ni/ng Demoscope Weekly. {{cite web}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Yamal Airlines. Retrieved on February 27, 2012.
  16. 2010/2011 visitor Любовь
  17. Ямальская дорога в зеркале мнений — Парламентская газета «Тюменские известия». old.t-i.ru. Проверено 5 марта 2016.

Mga pinagkunan

baguhin
  NODES
admin 4
INTERN 2