San Silvestro in Capite

Itinayo noong ika-8 siglo bilang isang dambana para sa mga labi ng mga banal at martir mula sa mga Catacumba, ang simbahan ay ang pambansang simbahan ng Gran Britanya. Ang mga salitang Latin na "in capite" ay tumutukoy sa kanonikal na titulo ni Papa Silvestre ang Una, kung saan ang in capite ay nangangahulugang sa Una, sa Pinuno, o sa Ulo . Ang basilika ay kilala rin para sa isang relikiya, isang labi ng isang ulo na sinasabing kay Juan Bautista, na itinago sa isang kapilya sa kaliwa ng pasukan. Ang pangalawang iglesyang Romano na alay kay Papa Silvestre I ay ang San Silvestro al Quirinale.

Simbahan ng San Silvestre ang Una
San Silvestro in Capite (sa Italyano)
Sancti Silvestri in Capite (sa Latin)
Patsada ng San Silvestro in Capite, Pambansang Simbahan ng mga Katolikong Ingles sa Roma, sa Piazza San Silvestro. Papasok ng portada, mayroong patyo, na papunta sa simbahan.
Relihiyon
PagkakaugnayKatoliko Romano
Katayuang eklesyastikal o pang-organisasyonbasilika menor, Pambansang Simbahan ng Gran Britanya, titulus
PamumunoLouis-Marie Ling Mangkhanekhoun
Lokasyon
LokasyonItalya Roma
Mga koordinadong heograpikal41°54′11.2″N 12°28′50.3″E / 41.903111°N 12.480639°E / 41.903111; 12.480639
Arkitektura
(Mga) arkitektoFrancesco da Volterra, Carlo Maderno
UriSimbahan
IstiloRomaniko, Baroque
Groundbreaking761[1]
Mga detalye
Direksyon ng harapanSSE
Haba40 metro (130 tal)
Lapad20 metro (66 tal)
Lapad (nabe)14 metro (46 tal)
Websayt
Official website
Ang Basilika ng San Silvestre ang Una [2], na kilala rin bilang (Italyano: San Silvestro in Capite, Latin: Sancti Silvestri in Capite), ay isang Romano Katolikong basilika menor at simbahang titulo sa Roma alay kay Pope Silvestre I. Matatagpuan ito sa Piazza San Silvestro, sa kanto ng Via del Gambero at ang Via della Mercede, at nakatayo malapit sa sentral Tanggapan ng Koreo.

Ang kasalukuyang Kardinal-Pari ay si Louis-Marie Ling Mangkhanekhoun, Apostolic Vicar ng Vientiane.

Kumbento

baguhin
 
Sinabing ang ulo na ito ay kay Juan Bautista, na itinatago sa San Silvestre.

Isang kumbento, na alay kay Papa Silvestre I at Papa Esteban I, ay itinayo katabi ng simbahan. Ang mga madre ay nanatili sa kumbento na iyon hanggang 1876 nang sila ay pinalabas. Ang kumbento ay kamakailan na muling isiniayos at patuloy na nagsisilbi bilang pangunahing Tanggapan ng Koreo ng Roma.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Chiesa di San Silvestro – History
  2. The Basilica is dedicated to Pope Sylvester the 1st.
baguhin

Basilica ng San Silvestro sa Capite (website ng simbahan)

  May kaugnay na midya ang San Silvestro in Capite (Rome) sa Wikimedia Commons

  NODES