Ang mga zebra ay iilan sa espeyes ng African equid (pamilya ng kabayo) na nabubuklod ayon sa kanilang natatanging balahibo na may itim at puting guhit. Ang kanilang mgaguhit ay may iba’t ibang estilo, na natatangi sa bawat indibidwal. Sa pangkalahatan, sila ay palakaibigang mga hayop na nabubuhay sa maliliit na pangkat ng nakararaming babae at isang dominanteng lalaki hanggang sa malalaking pangkat. Di tulad ng kanilang pinakamalalapit na kamag-anak, gaya ng mga kabayo at asno, ang mga zebra ay hindi tuluyang napaamo.

Zebra
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Subgenus:
Hippotigris Dolichohippus
Species

Equus zebra
Equus quagga
Equus grevyi

May tatlong espesye ng zebra: ang mga zebra na naninirahan sa kapatagan, ang mga Grevy’s zebra, at ang mga zebra sa kabundukan. Ang mga zebra sa kapatagan at sa kabundukan ay kabilang sa subgenus na Hippotigris, samantalang ang Grevy’s zebra ang natatanging species ng subgenus Dolichochippus. Ang nahuli ay maihahalintulad sa isang asno, habang ang dalawang nauna ay mas nahahawig sa kabayo. Lahat ng tatlo ay kabilang sa genus na Equus, kasama ang iba pang namumuhay na equids.

Ang kakaibang guhit ng mga zebra ay siyang dahilan kung bakit sila ang isa sa pinakapamilyar ng mga hayop sa tao. Naninirahan sila sa iba’t ibang klase ng mga lugar, gaya ng damuhan, savanna, kakahuyan, kaugoygoyan, kabundukan, at mga kaburulang malapit sa karagatan. Gayunpaman, iilang anthropogenic na salik ang nagkaroon ng matinding epekto sa populasyon ng mga zebra, lalung-lalo na ang pangagaso sa kanila para sa kanilang mga balat, at pagkawasak ng kanilang pinagmamalagian. Ang Grevy’s zebra at ang mga zebra na naninirahan sa kabundukan ay nangannganib maubos. Samantalang ang mga zebra na naninirahan sa kapatagan ay mas marami, isang subspecies, ang quagga, ay naubos noong ika-19 na siglo – bagamat mayroon ng plano sa kasalukuyan, na tinatawag na Quagga Project, na naglalayong paramihin ang mga zebra na kahalintulad ng phenotype ng quagga sa pamamagitan ng prosesong tinanatawag na breeding back.

Mga sanggunian

baguhin

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Done 1