Selyo
Ang selyo ay isang madikit na papel na nagsisilbing katibayan ng pagbabayad sa halaga ng serbisyong pangkoreo. Karaniwang isa itong maliit na parihabang idinidikit sa isang sobre, na tandang nagbayad na ng buo o bahagi lamang ang taong nagpapadala. Ito ang pinakatanyag na paraan ng pagbabayad sa isahan o ilanang mga liham. Maraming mga uri ng selyo sa buong mundo. Mayroong sari-sariling mga selyo ang bawat bansa. Umiiral na ang selyo magmula pa noong ika-19 na daang taon. Mayroong mga taong nangungulekta ng mga selyo.[1]
Mga sanggunian
baguhinAng lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.