Ang siper[1][2] (Ingles: zipper, zip, zip fastener) ay isang kilalang kagamitang ginagamit upang pansamantalang mapagdikit ang dalawang mga gilid ng tela. Kinakasangkapan ito sa mga damit katulad ng mga tsaketa at mga pantalon, mga bagahe, kasuotan o kagamitang pampalakasan, mga aparatong pangkamping na katulad ng mga kubol o bag na nagiging tulugan, at iba pang mga bagay na ginagamit sa pang-araw-araw na buhay. Isa itong pangkapit na gawa sa dalawang nababago o nahuhutok na mga bahag, pamugong, o pambuklod, na maaaring isakbat sa pamamagitan ng pagpapadulas ng isang pirasong nahihila na nasa kanilang kahabaan.[3]

Isang siper na hindi pa naitatahi sa isang damit o ibang kagamitan.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blake, Matthew (2008). "Zipper, siper". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Zipper Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  2. Gaboy, Luciano L. Zipper, siper - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. "Zipper". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 108.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Note 1