Ang sorbetes (Kastila: sorbete, Ingles: ice cream) ay isang pinalamig, pinatigas, o pinagyelong panghimagas o meryenda. Ito ay maaaring gawa mula sa gatas (dairy) o krema, o gatas na gawa sa balatong, kasoy, buko o almendras, na may idinagdag na mga pampatamis tulad ng asukal o alternatibong pampalasa tulad ng kakaw o baynilya. Kadalasang idinadagdag ang mga pampakulay at pati na rin ang mga pampatatag. Hinahalo ang timpla para magkaroon ng mga puwang ng hangin at pinapalamig sa temperaturang mas mababa sa nagyeyelong punto ng tubig upang maiwasan ang pagbubuo ng mga malalaking yelong kristal. Ang resulta ay isang makinis, hatinsolidong bula na solido sa mga mababang temperatura (mas mababa sa 2 °C (35 °F)*). Lumalabot ito habang tumataas ang temperatura.

Sorbetes na nasa apa.

Umiiba ang pangalang "sorbetes" depende sa bansa. Ginagamit ang mga salitang "nagyelong kastard," "nagyelong yogurt," "gelato," "ice cream," at iba pa para sa mga iba't ibang baryante at estilo. Sa mga ilang bansa, tulad ng Estados Unidos, tumutukoy lang ang "ice cream" sa tiyak na baryante, at pinapangasiwaan ng karamihan ng mga gobyerno ang komersyal na paggamit ng mga iba't ibang salita ayon sa kaugnay na dami ng mga pangunahing sangkap, lalo na ang dami ng krema.[1] Tinatawag naman na "nagyelong panghimagas" ("frozen dessert") ang mga produkto na hindi nakakatugon sa pamantayan para tawaging sorbetes.[2] Sa mga ibang bansa, tulad ng Italya and Arhentina, isang salita lamang ang ginagamit para sa lahat ng baryante. Mayroon ding mga katapat na mga alternatibo sa dairy, tulad ng gatas ng kambing o tupa, o mga kapalit ng gatas (hal. soya or tokwa) para sa mga lactose intolerant, may alerhiya sa protina ng dairy, or begano.

Sorbetes na karot

Maaaring ihain ang sorbetes sa mga putahe, para kainin gamit ang kutsara, o dilaan mula sa mga nakakaing apa. Maaaring ihain ang sorbetes kasama ng mga ibang panghimagas, tulad ng apple pie, o bilang sangkap sa mga ice cream float, sundae, milkshake, ice cream cake at kahit sa mga inihurnong pagkain, tulad ng Baked Alaska.

Kasaysayan

baguhin

Persya

baguhin

Posibleng nagsimula ang kasaysayan ng sorbetes noong 500 BK sa Imperyong Akemenida kung saan nagkaroon ng yelong pinagsamahan ng pampalasa para bumuo ng mga meryenda sa tag-init.[3][4] Noong 400 BK, nag-imbento ang mga Persyano ng espesyal na pagkaing pinalamig na gawa sa tubig-rosas at bihon, na inihain sa mga kabunyian noong tag-init.[5] Pinaghalo sa yelo ang mga saffron, prutas, at iba pang mga pampalasa.

Sinaunang Griyego

baguhin

Noong ika-5 siglo BK, kinain ng mga sinaunang Griyego ang niyebe na hinalo sa pulot at prutas sa mga merkado ng Atenas. Hinikayat ni Hippocrates ang kanyang mga pasyente na kumain ng yelo "dahil pinapasigla nito ang mga katas-buhay at dinadagdagan ang ginhawa."

Kinain ang nagyelong halo ng gatas and kanin sa Tsina noong mga 200 BK.[6] "Ibinuhos ang halo ng niyebe at salitre sa itaas ng mga panlabas ng mga lalagyang puno ng arnibal, dahil tulad ng asin na nagtataas ng punto ng pag-kulo ng tubig, ibinababa niya ang punto ng pagyeyelo nang mas mababa sa sero."[7][8]

Nagpadala si Romanong Emperardor Nero (37–68 PK) ng yelo mula sa mga kabundukan at hinalo ito sa mga prutas para bumuo ng pinalamig na pagkain.[9]

Indyanong subkontinente

baguhin
 
Kulfi sa loob ng matka na palayok mula sa Indya.

Noong ikalabing-anim na siglo, ginamit ng mga emperador Mughal mula sa Indyanong subkontinente ang mga riley ng mga mangangabayo upang magdala ng yelo mula sa Hindu Kush pupunta sa Delhi, kung saan ginamit ito sa mga sorbeteng prutas.[10] Ang kulfI ay isang tanyag na nagyelong panghimagas mula sa Indyanong subkontinente at kadalasang nilalarawan bilang "tradisyonal na sorbetes ng Indya." Nagmula ito sa ikalabing-anim na siglo sa Imperyong Mughal.

Europa

baguhin
 
Italyanang dukesa Catherine de' Medici, nakredito sa pagpapakilala ng sorbetes sa Pransiya noong ika-16 na siglo

Noong ikinasal ni Italyanang dukesa Catherine de' Medici ang Duke ng Orléans (Enrique II ng Pransiya) noong 1533, di-umano'y siyang nagdala sa Pransiya ng mga Italyanong tagapagluto na may mga resipi para sa mga pinalasang yelo o sorbet.[11] Pagkalipas ng isang daang taon, iniulat na sobrang nahanga si Charles I ng Inglatera sa "nagyelong niyebe" na nag-alok siya sa kanyang sorbetero ng pensiyon habang buhay bilang kabayaran sa pagtago ng pormula, upang maging tanging karapatan ng maharlika ang sorbetes.[12] Walang makasaysayang katibayan na sumusuporta sa mga kuwento na ito, na unang naglitaw noong ikalabinsiyam na siglo.

Lumitaw ang unang resipi sa Pranses para sa pinalasang yelo noong 1674, sa Recueil de curiositéz rares et nouvelles de plus admirables effets de la nature ni Nicholas Lemery.[13] Inilathala ang mga resipi sorbetti sa edisyong 1694 ng Lo Scalco alla Moderna (Ang Modernong Tagapangasiwa) ni Antonio Latini.[13] Nagsimulang lumitaw ang mga resipi ng pinalasang yelo sa Nouvelle Instruction pour les Confitures, les Liqueurs, et les Fruits ni François Massialot na nagsimula sa edisyon ng 1692. Nagreresulta ang mga resipi ni Massialot sa pagkakahabing magaspang at malamikbato. Ipinahayag ni Latini na ang resulta ng kanyang mga resipi ay dapat magkaroon ng mainam na pagkamaugnayin ng asukal at niyebe.[13]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Ice Cream Labeling: What Does it all Mean?". International Foodservice Distributors Association. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Mayo 2008. Nakuha noong 9 Agosto 2008. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Ice Cream's Identity Crisis". The New York Times. 17 Abril 2013. Nakuha noong 1 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Who Invented Ice Cream? - Ice Cream Inventor". www.icecreamhistory.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-08-31. History of ice creams begun around 500 B.C. in the Persian Empire where ice was used in combination with grape juices, fruits, and other flavors to produce very expensive and hard to produce summertime treats.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Book of Firsts (sa wikang Ingles). RW Press. ISBN 9781909284296. c. 550-330 BC, First mention of flavoured snow or ice : during the Persian Empire
  5. "History of Ice Cream". thenibble.com.
  6. The origin of ice-cream, BBC. Retrieved 26 October 2009.
  7. Toussaint-Samat, Maguelonne (2005). A history of food. translated from the French by Anthea Bell. Malden, Massachusetts: Blackwell Publishing. pp. 749–750. ISBN 978-0-631-19497-2. OCLC 223367668.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Olver, Lynne (30 Septyembre 2007). "ice cream & ice". Food Timeline. Nakuha noong 9 Agosto 2008. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)
  9. Andrews, Tamra (2000). Nectar and Ambrosia:An Encyclopedia of Food in World Mythology. Santa Barbara, California: ABC-CLIO. p. 121. ISBN 978-1-57607-036-9. OCLC 224083021.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Tannahill, Reay (1989). Food in History. New York: Three Rivers Press. ISBN 0-517-88404-6. OCLC 32450569.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Powell, Marilyn (2005). Cool: The Story of Ice Cream. Toronto: Penguin Canada. ISBN 978-0-14-305258-6. OCLC 59136553.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Goff, H. Douglas. "Ice Cream History and Folklore". Dairy Science and Technology Education Series. University of Guelph. Nakuha noong 9 Agosto 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. 13.0 13.1 13.2 Powell, Marilyn (2005). Cool: The Story of Ice Cream. Toronto: Penguin Canada. ISBN 978-0-14-305258-6. OCLC 59136553.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin
  NODES
Association 1
Intern 1
iOS 1
mac 2
os 13
web 5