Ang mga Suwiso - na nagiging Suwisa kung mga kababaihan, (Aleman: die Schweizer, Pranses: les Suisses, Italyano: gli Svizzeri, Romansh: ils Svizzers) ay ang mga mamamayan o mga katutubo ng Suwisa (Suwitserland).[1] Ang demonimo ay hinango mula sa toponimo ng Schwyz at naging malawakan ang paggamit upang tukuyin ang Matandang Konpederesyang Suwiso magmula noong ika-16 daantaon.[2]

Bagaman ang Konpederasyong Suwiso, ang modernong estado ng Suwisa, na nagsimula noong 1848, ang panahon ng nasyonalismong romantiko, hindi iyon isang nasyong estado, at ang mga Suwiso ay hindi karaniwang itinuturing na nagbuo ng isang nag-iisang pangkat etniko, bagkus ay isang konpederasya (Eidgenossenschaft) o Willensnation ("nasyon ng hangarin", "nasyon dahil sa pagnanais", iyon ay, isang estadong konsonasyunal), isang terminong nalikha na may-malay na kabaliktaran ng "nasyon" sa kumbensiyonal na diwang lingguwistiko o etniko ng kataga.[3]

Ang bilang ng taumbansang Suwiso ay lumaki mula 1.7 milyon noong 1815 hanggang 6.76 milyon noong 2009, 90% nila ang naninirahan sa Suwisa. Nasa bandang 60% ng nakatira sa ibayong-dagat ang nasa loob ng Unyong Europeo (423,300); ang pinakamalaking pamayanang ekspatriyado sa ibayong dagat ay nasa Estados Unidos USA (75,000).

Mga sanggunian

baguhin
  1. Ang termino ay minsang ipinalalawak upang maisama ang mga kaapu-apuhang panglahi ng mga emigranteng Suwiso, tingnan ang "Swiss". New Oxford American Dictionary.. Bilang kuru-kuro, ang maipanganak sa Suwisa ay hindi nagbibigay sa isang indibidwal na kusa o awtomatikong (may tatlong mga antas ng katayuan ng mga mamamayang dayuhan o mga mamamayan hindi katutubo), kaya't may maraming pampangalawang salinlahing mga dayuhang legal na teknikal na "mga katutubo ng Suwisa" na hindi itinuturing na Suwiso.
  2. "Schwyz". New Oxford American Dictionary.
  3. Ang pagtutol sa epektong ang estado ay dapat na muling maiakma sa mga kaguhitang etniko at napipigilan sa mga sirkulong makamalayong-kanan at völkisch katulad ng PNOS at nananatiling isang posisyong nakabitin (na hinahawakan ng mababang-mababa sa mga mamamayang Suwiso) na tuwirang taliwas sa titik at espiritu ng Konstitusyong Suwiso.
  NODES