Tinimbang Ka Ngunit Kulang

Ang Tinimbang Ka Ngunit Kulang ay isang pelikulang dramatiko na nilikha sa ilalim ng direksiyon ni Lino Brocka.

Tinimbang Ka Ngunit Kulang
Ang paskil ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang
DirektorLino Brocka
PrinodyusKorporasyong CineManila
SumulatMario O'Hara
Itinatampok sinaLolita Rodriguez
Christopher De Leon
Mario O'Hara
Eddie Garcia
Hilda Koronel
Laurice Guillen
Lilia Dizon
MusikaLutgardo Labad
Emmanuel Lacaba
SinematograpiyaJose Batac
In-edit niAugusto Salvador
TagapamahagiKorporasyong CineManila
Inilabas noong
30 Mayo 1974 (1974-05-30)
Haba
126 na minuto
BansaPilipinas
WikaFilipino
Ang patalastas ng Tinimbang Ka Ngunit Kulang sa pahayagan

Ang pamagat ng pelikula ay hinango sa isang siniping pangungusap mula sa Aklat ni Daniel ng Lumang Tipan na nagbabanggit ng kahabagan ukol sa kahinaang pantao.[1]

Pinasinayaan ng pelikulang ito si Christopher De Leon bilang artista at sa larangan ng karera sa pelikula.

Mga tauhan

baguhin

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Lolita Rodriguez Kuala
Christopher De Leon Junior
Mario O'Hara Bertong Ketong
Hilda Koronel Evangeline Ortega
Eddie Garcia G. Cesar Blanco
Lilia Dizon Gng. Carolina Blanco
Laurice Guillen Milagros
Joseph Sytangco Nitoy
Rosa Aguirre Lola Jacoba
Lorli Villanueva Gng. Sy
Ernie Zarate Dr. Ambrosio Ortega
Anita Linda Gng. Ortega
Chito Ponce Enrile Domeng
Bey Vito Eddie
Joonee Gamboa ama ni Eddie
Jerry O'Hara Joel
Orlando Nadres G. Del Mundo
Alicia Alonzo
Lily Miraflor
Mely Mallari
Estrella Kuenzler
Cita Javellana
Ursula Carlos
Lota Garcia
Rolly Papasin
Nina Lorenzo
Melvi Pacubas
Paz Brosas
Dante Balawis
Lito Cruz
Fred Alvarez
Erning David
Edwardo Montiel
Robert Miller
Minda D. Azarcon
Roger Mariscal
Max Azacon
Lily Gamboa Mendoza
Alvi Mendoza

Buod ng pelikula

baguhin

Pagala-gala si Kuala (Rodriguez), isang babaeng nasiraan ng ulo, na may maruruming damit at dusdusing buhok. Pinagkakatuwaan siya ng mga taumbayan. Tinutulak siya sa bubon ng tubig at halos nalulunod. Umakit si Berto (O'Hara), isang ketunging may pighati pagdating sa ugnayan sa kababaihan, kay Kuala na may isang laruang kalantog at dinala siya sa kanyang barungbarong sa libingan. Gumawa si Junior (De Leon) ng pagkakaibigan sa kanila, naghahamon sa mga pagbabawal ng kanyang ama na si Cesar Blanco (Garcia), isang politiko.

Humingi si Junior ng payo kay Berto hinggil sa kanyang mga problema sa isang kakatwang guro, G. Del Mundo (Nadres), na may pagkahaling sa kanya. May mga problema rin sina Junior sa kanyang kasintahan na si Evangeline (Koronel), na humimbang sa kanyang abay sa Santacruzan. Nilisan ng nagseselos na Junior ang prusisyon at hinanap ang kasamahan ni Milagros (Guillen), na hinibo siya.

 
Ang magkakaibigang Junior, Berto at Kuala

Ang Asociacion de las Damas Cristianas ay naalingasngas nang matuklasan na si Kuala ay buntis. Napilitang tumira si Kuala sa ilalim ng pag-aandukha ng relihiyosang Lola Jacoba (Aguirre). Nagpakita si Junior at tinulungan ang buntis na Kuala sa paraan na maibalik sa barungbarong ni Berto.

Nang magsimulang dumugo, ang naunang karanasan sa panganganak ay sumapit sa kanyang pagbabalik-gunita. Nasiwalat siya bilang kulasisi ni Blanco, ama ni Junior. Pinilit si Kuala na ipalaglag ang bata sa isang malayong lugar. May nangyaring taliwas, at umalis ang aborsyonista at si Blanco, na iniwan siyang walang-malay at dumurugo. Ito ay isang nakalilingaw na karanasan na tumungo sa kawalan sa sarili.

Humangos si Berto upang magpadala ng isang manggagamot. Nang tumangging pumunta ang manggagamot, nagbanta si Berto na papatayin siya. Bago makarating sa barungbarong sa libingan, tumakas ang manggagamot. Sa kasunod na tugisan, binaril si Berto ng isa sa mga mamamayan ng bayan. Nang inalo ni Junior ang kanyang mamamatay na kaibigan, narinig ang mga iyak ng isang bagong panganak na sanggol. Luminaw ang isip ni Kuala sa isang saglit at nakilala si Cesar sa mga taong lumilibot sa kanya. Subali't bumalik ang alaala ng kanyang naunang pagkaagas at siya ay nawalan ng malay.[1]

Pagsusuri sa pelikula

baguhin

Isinasadula ang pelikula at hiniwagan ang bilang ng mga tauhan sa isang panghalimbawang pamayanan na pinukaw ng sigla ng tinubuang bayan ni Brocka sa San Jose, Nueva Ecija. Ang paglapat ng musika ay nagtatampok ng mga katutubong kagamitan tulad ng gong, kulating, gansa, kulintang, kubing at iba pa.[1]

Mga gawad

baguhin

Gawad FAMAS

baguhin
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1975
Nanalo
Pinakamahusay na Aktor
Christopher De Leon

Pinakamahusay na Aktres
Lolita Rodriguez

Pinakamahusay na Direksiyon
Lino Brocka

Pinakamahusay sa Paglapat ng Musika
Lutgardo Labad

Pinakamahusay na Awit Pantikha
Emmanuel Lacaba
(para sa awiting "Awit ni Kuala")

Pinakamahusay na Pelikula
Nanomina
Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Mario O'Hara

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Laurice Guillen

Tingnan din

baguhin

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 L. Pareja, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 194

Mga panlabas na kawing

baguhin

Palabas sa YouTube

baguhin

Kung nais ninyong mapanood ang kabuuang pelikula sa YouTube, maaaring ninyong pasukin ang kawing na ito:

  NODES
INTERN 1