Ang mga tipaklong[1] (Ingles: grasshopper, locust) ay mga kulisap na kumakain ng mga halaman o bahagi ng halaman na nasa subordeng Caelifera sa orden ng mga Orthoptera. Kakaiba sila sa mga kuliglig. Tinatawag ding balang[1][2] at lukton ang mga tipaklong, bagaman mas tumutukoy ang lukton sa mga batang tipaklong.[1] Sa Bibliya, partikular na sa Aklat ni Joel (Joel 1:4), mayroong katagang patungkol sa mga tipaklong at nagsasaad ng ganito: "Ang iniwan ng tipaklong ay kinain ng mga balang, ang iniwan ng balang ay kinain ng uod, (at) ang iniwan (naman) ng uod ay kinain ng kamaksi."[3] Ayon sa paliwanag ni Jose C. Abriol, isang tagapagsalin ng Bibliyang Tagalog, maaaring tumutukoy ang "katagang ito sa apat na uri ng balang o ang iba't ibang anyo ng balang." Binanggit pa ni Abriol ang mga katumbas ng mga salitang ito sa Hebreo: garam (tipaklong), arbe (balang), jelec (uod), at jasil (kamaksi).[3] Sa Bibliya pa rin, partikular na sa Marcos 1:6 at Pahayag (o Rebelasyon) 9: 3-4, nilarawan ang mga tipaklong bilang salot o maninira ng mga pananim.[4]

Caelifera
Temporal na saklaw: Huling Permian - Kamakailan
Bata pang tipaklong.
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Orden: Orthoptera
Suborden: Caelifera
Mga superpamilya
Tipaklong na nasa dahon ng ratiles.

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 English, Leo James (1977). "Tipaklong, balang, lukton". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
  2. ""Locust"". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-06. Nakuha noong 2008-08-04.
  3. 3.0 3.1 Abriol, Jose C. (2000). "Salot ng mga Balang, Joel:1:4, at talababa bilang 4". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
  4. The Committee on Bible Translation (1984). "Locust". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA., Dictionary/Concordance, pahina B7.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
Done 1