Ang transistor ay isang aparatong semikonduktor na ginagamit upang palakasin o paglipat-lipatin ang mga kuryente at signal nito. Ang transistor ay isa sa mga pangunahing bumubuo ng modernong electronics. Ito ay binubuo ng materyal na semikonduktor at kadalasan na may hindi bababa sa tatlong saksakan na maaaring ikabit sa isang electronic circuit. Ang isang pares ng saksakan ng transistor ay nilalagyan ng boltahe o daloy ng kuryente upang makontrol ang daloy nito sa pamamagitan ng iba pang pares na saksakan. Dahil ang kontroladong kuryente (output) ay maaring mas mataas kaysa sa kumokontrol na kuryente (input), ang transistor ay maaaring magpalakas ng isang signal. Ang ilang mga transistor ay nakabalot nang paisa-isa ngunit karamihan sa mga ito ay makikita na kabilang sa mga integrated circuits.

Kopya ng unang gumaganang transistor.

Kasaysayan

baguhin

Ang transistor ay isan napakahalagang pundasyon ng mga makabagong aparato, at ito ay matatagpuan din sa lahat ng aparato. Matapos ito mabuo noong 1947 ni John Bardeen na isang Amerikanong pisisista, Walter Brattain, at ni William Shockley, lubusang nabago ng transistor ang larangan ng usapaing pangelektrisidad, at gumawa ng daan para sa mga mas maliliit at sa mga mas mura na radyo, kalkulator, kompyuter, atbp. Ang Ang transistor ay nasa listahan ng mahahalagang nadiskubre sa electronics ng IEEE, at ang mga nakaimbento nito ay nagawaran rin ng Nobel Prize sa Pisika.

Paglalarawan

baguhin

Gawa ang isang transistor sa isang solidong piraso ng isang materyal na semikonduktor, katulad halimbawa ng mga piraso ng silikon o ibang sustansiya[1], kasama ang hindi bababa sa tatlong pantapos (terminal) para sa koneksiyon sa isang panlabas na sirkwito. Binabago ng boltahe o nilapat na daloy sa isang pares na pantapos ng transistor ang daloy na umaagos ng tuloy-tuloy sa isa pang pares ng mga pantapos. Dahil maaaring mas malaki ang pinipigilang (palabas) lakas ng elektrisidad kaysa ang pumipigil (papasok) na lakas, nagbibigay ang transistor ng pagpapalakas ng hudyat. Pangunahing bahagi ang transistor ng mga makabagong elektronikong kagamitan, at ginagamit sa radyo, telepono, kompyuter at ibang elektronikong mga sistema. May mga transistor na nakabalot ng hiwalay ngunit matatagpuan ang karamihan sa kanila sa mga pinagsamang sirkito (mga integrated circuit). Binubuo ang mga transistor ng isahang mga komponente o bahagi na naglalaman naman ng ilang magkakaugnay pang mga transistor na bumubuo sa isang sirkit. Maaaring pagdugtung-dugtungin ang mga transistor upang makagawa ng maliit ngunit masalimuot o kumplikadong mga sirkito elektriko o sirkwitong pangkuryente na nakapanghahawak ng mga hudyat na katulad ng sa mga radyo at telebisyon. Halimbawa ng mga uri ng integradong sirkit ang mga mikrotsip (o mga microchip) na naglalaman ng maraming libu-libong mga transistor.[1]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Who Invented the Transistor?". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 55.
  NODES
os 7