Ang tumbong (Ingles: rectum, mula sa Latin: rectum intestinum, o "tuwid na bituka") ay ang pinakahuling tuwid na bahagi ng malaking bituka sa ilang mga mamalya, at ang pitak gastrointestinal sa iba, na nagtatapos sa butas ng puwit. May habang mahigit-kumulang sa 12 cm ang tumbong ng tao. Sa simula nito, ang kalibre o itsura ng bilog nito ay may pagkakahalintulad sa kalibre ng sigmoid colon, ngunit bumubuka ito sa bahaging malapit sa katapusan kung saan nabubuo ang rectal ampulla.

Ang anatomiya ng butas ng puwit at tumbong.

Gampanin sa pagdumi ng tao

baguhin

Gumaganap ang tumbong bilang isang panandaliang imbakang lalagyan ng mga dumi. Habang nababanat ang mga dinding ng tumbong dahil sa mga materyales na pumupuno dito mula sa loob, ang mga pandama ng pagkabanat mula sa sistemang nerbyos na nakalagay sa mga dinding ng tumbong ang nagpapasigla sa kagustuhang pagdumi. Kung hindi susundin ang himok ng pagdumi, karaniwang ibinabalik sa colon ang bagay na nasa loob ng tumbong kung saan mas maraming tubig ang sinisipsip. Kapag pinigil ang pagtae ng masyadong mahabang panahon, mangyayari ang pagkakaroon ng konstipasyon at ng matitigas na dumi.

Kapag napuno ang tumbong, ang pagtaas ng lakas intrarektal ang pumupuwersa sa dinding ng kanal ng tumbong na maghiwalay upang mapayagang makapasok sa kanal ang dumi. Umiikli ang tumbong habang itinutulak ang dumi papaloob sa kanal ng tumbong at ang mga along peristaltiko ang nagpapadaloy sa mga dumi palabas ng tumbong. Ang panloob at panlabas na sphincter ang nagpapapayag sa pagpaparaan ng dumi sa pamamagitan ng mga masel na humihilang paitaas sa puwit sa ibabaw ng lumalabas na tae.

Butas ng puwit

baguhin

Ang butas ng puwit (Ingles: anus) ay ang butas sa katawan ng tao na nasa pagitan ng mga pisngi ng puwit. Matatagpuan ito sa dulo ng sistemang grastro-intestinal (kasama ang mga organong tumutunaw ng pagkain), kung saan lumalabas ang tae o ipot mula sa katawan.

Mga sanggunian

baguhin
  NODES
os 4