Turbina
Ang isang turbina (sa Imgles: turbine na mula sa Latin, turbo) ay isang umiinog na makina na kumukuha ng enerhiya mula sa pagdaloy ng tubig at binabago ito sa isang pakipakinabang gawa.
Ang mga pinakasimpleng turbina ay may isang parteng gumagalaw, isang asembleyong rotor na isang baras o dram na may mga nakakabit na pampaikot. Habang gumagalaw o gumagana ang mga pampaikot dahil sa pagdaloy ng tubig, Ilinilipat nito ang pag-ikot sa rotor. Ang mga unang turbina na ginamit sa kasaysayan ng tao ay mga windmill at gumulong na tubig o water wheel. Hangin, tubig, at na turbina, ay kadalasan may pangsalo sa mga pampaikot para mai-kontrol ang tubig o hangin na gamit. Ang gumawa ng steam turbine o turbinang de singaw ay ikrinekredito sa dalawang tao, kay Sir Charles Parsons (1854 – 1931), para sa paggawa ng reaksyong turbina, at para sa Suwekong inhinyero na si Gustaf de Laval (1845 -1913), para sa paggawa ng simbuyong turbina (impulse turbine). Ang mga makabagong turbina ay kadalasang gumagamit ng reaksyon at simbuyo sa parehong turbina, kadalasan ding binabago ang lebel ng reaksyon at simbuyo mula sa taas hanggang baba.
Isang aparato na katulad sa turbina, kaso baliktad, ay isang bomba o pump para sa mga likido, at tagapiga o compressor para sa hangin. Ang axial compressor sa mga turbinang gas ay isang klase ng bomba. Dito, pareho ding may reaksyon at simbuyo tulad ng mga turbina. Sa mga makabagong axial compressor naibabago na naman ang antas ng reaksyon at simbuyo.
Gamit ng turbina
baguhinHalos lahat ng kuryente sa mundo ay galing sa isang turbina, Ang mga pinaka maayos na turbinang singaw ay nakakagamit ng 40% ng kapangyarihang termal, at naisasayang na ang ibang init. Halos lahat din ng mga makina sa mga jet ay gumagamit din ng mga turbina sa pagbigay ng mekanikal na enerhiya mula sa likido na gamit nila. Ang mga nukleyar na barko at mga planta ng kuryente ay gumagamit din ng turbina.
Ang mga turbina ay kadalasang parte din ng isang mas malake na makina, ang isang turbinang gas ay puwedeng sumasang-ayon sa isang panloob na pagsunog na makina na may turbina, mga duct, compressor, combustor, heat-exchanger, fan at minsan kung ito ay para gumawa ng kuryente ay isang alternator. Mga turbinang combustion at mga turbinang singaw ay pwede ding nakakabit sa mga bomba at compressor, o pwede ding ginagamit sa pag-galaw ng mga barko, na kadalasang may gearbox para mabawasan ang bilis ng paginog.
Ang mga makinang reciprocating piston tulad ng mga makina na gamit sa mga eroplano ay puwedeng gumamit ng mga turbina na pinapatakbo ng kanilang ipinalalabas para magpagana ng isang intake air compressor. Isang pagkakasaayos na ang tawag ay turbocharger (turbinesupercharger), o minsan isang turbo.
Ang mga turbina ay may mataas na proporsyon ng kapangyarihan sa bigat, o kapangyarihan sa laki. Ito ay dahil sa kapasidad nila gumana sa sobrang bilis na pagkakasaayos. Ang makina ng mga Space Shuttle ay gumagamit ng mga turbopump (mga makina na gawa sa isang bomba na nakakabit sa makina ng turbina) para bigyan ang mga propellant (likidong oksiheno at likidong idrohino), sa combustion chamber ng makina.
Ang mga likidong idrohino na turbopump ay medyo mas malaki lang sa makina ng kotse, (halos nasa 700 lbs ang bigat) at nakakagawa ng 70,000 hp (52.2 MW). Ang mga turboexpander ay kadalasang ginagamit pang-refrigerate sa mga gawaing industriyal..