Ulricehamn
Ang Ulricehamn ay isang pamayanan at luklukan ng Bayan ng Ulricehamn sa Lalawigan ng Västra Götaland, Suwesya na may 9,787 mamamayan noong 2010.[1]
Ulricehamn | |
---|---|
Ang bahay-pamahalaan ng Ulricehamn | |
Mga koordinado: 57°47′N 13°25′E / 57.783°N 13.417°E | |
Bansa | Suwesya |
Lalawigan (sinauna) | Västergötland |
Lalawigan | Lalawigan ng Västra Götaland |
Bayan | Bayan ng Ulricehamn |
Lawak | |
• Kabuuan | 6.23 km2 (2.41 milya kuwadrado) |
Populasyon (Disyembre 31, 2010)[1] | |
• Kabuuan | 9,787 |
• Kapal | 1,571/km2 (4,070/milya kuwadrado) |
Sona ng oras | UTC+1 (OGE) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (OTGE) |
Kapanahunan | Dfb |
Kasaysayan
baguhinPinamayanan ang Ulricehamn, na unang kilala sa Bogesund simula pa noong Gitnang Kapanahunan. Napagkalooban ito ng karapatang pambayan simula pa noong ika-15 dantaon. Matatagpuan pa rito ang mga sinaunang gusali noong mga ika-17 hanggang ika-18 dantaon at ang kaakit-akit na kalsada ng Storgatan ay hindi nagbago sa loob ng mga nakaraang dantaon. Kabilang sa mga makasaysayang gusali ay ang gusaling panglunsod na matatagpuan sa liwasan ng pamilihan. Ito ay itinayo noong 1789 at may manilaw-nilaw na uri ng rococo.
Matatagpuan ang bayan sa Ätranstigen (Daang Ätran), isang landas na bumabaybay sa kahabaan ng ilog ng Ätran mula sa kipot ng Kattegat sa kanluran at paloob ng katihan, na siyang dumurugtong sa iba pang mga daang patungo sa mga silanganang lungsod ng Sigtuna at Uppsala. Ang Digmaan ng Bogesund ay nangyari sa yeluhan ng lawa ng Åsunden noong 1520.
Pinalitan ang pangalan nito sa Ulricehamn noong 1741 sa karangalan ni Hariginang Ulrica Eleonora. Matapos ang malawakang sunog ng 1788, bumagsak ang agimat nito. Gayunpaman, maraming mga kalakalan sa tela ang itinatag noong ika-19 na dantaon. Dahil na rin sa pagpapagawa ng kauna-unahang daambakal dito noong 1874, naging isang mahalagang lundayan ng kalakal ang bayan.
Taladutaan
baguhinNasa libis ng tabing-lawa ang kinaroroonan ng bayan kung saan ang Ilog Ätran ay dumadaloy patungo sa Lawa Åsunden. Ang bayan ay may magandang kalikasan dahil marami itong mga puno at anyong-tubig kung saan maaaring mag-bisikleta o mamangka ang mga tao.
Tuwing tag-yelo, ang Ulricehamn ay kilala sa pagiging lundayan ng pag-iiski lalo na sa timog-kanluraning bahagi ng Suwesya. May 7 elebeytor at 6 na libis sa pag-iisking alpino; at mayoon namang tinatayang 210 kilometro ang maaaring tahakin sa pag-iisking kabukiranin.
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 "Tätorternas landareal, folkmängd och invånare per km2 2005 och 2010" (sa wikang Suweko). Palaulatang Suweko. Disyembre 14, 2011. Inarkibo mula sa orihinal noong Enero 10, 2012. Nakuha noong Enero 10, 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
KML file (edit • help)
|