Unibersidad ng Sarajevo

Ang Unibersidad ng Sarajevo (Bosniyo, Kroato at Serbiyo: Univerzitet u Sarajevu / Универзитет у Сарајеву; Ingles: University of Sarajevo) ay ang pinakamalaki at pinakamatandang unibersidad sa Bosnia at Herzegovina. Bago ang pagtatatag ng unibersidad, ang Sarajevo ay meron nang Madrasaha o paaralang Islamiko. [1][2] Ito ay orihinal na itinatag noong 1531 ng mga Ottoman. Ang unibersidad sa moderno at sekular nitong porma ay napaunlad ng rehimeng Austro-Unggaro noong 1949.[3] Ngayon, ito ay may 20 fakultad, tatlong akademya at tatlong fakultad ng teolohiya at may 30,866 mag-aaral para sa taong 2014/15. Ito ay nararanggo bilang isa sa mga pinakamalaking unibersidad sa rehiyong Balkano ayon sa pagpapatala. Mula nang magbukas ang pinto nito noong 1949, 122,000 mag-aaral ang nakatanggap ng antas batsilyer, 3,891 sa antas master at 2,284 sa antas doktoral sa 45 iba't-ibang mga larang.[4]

Ang gusali ng Fakultad ng Batas ng Unibersidad ng Sarajevo, na itinayo noong 1850s.
Fakultad ng Pagbebeterinaryo

Ngayon ito ay itinuturing bilang ang pinakaprestihiyosong unibersidad sa Bosnia at Herzegovina at nag-eempleyo ng higit sa isang libong mga miyembro ng fakultad.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Agency, Anadolu. "Saraybosna'da 476 yıldır yaşayan medrese! (Sarajevo Celebrates 476 Years of its Medresa!)". Haber7. Nakuha noong 11 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Things to do in Sarajevo". Gezip Gördüm. Nakuha noong 11 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "A History of the University of Sarajevo". City of Sarajevo. 19 May 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Septiyembre 2015. Nakuha noong 10 June 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  4. Information of the University Sarajevo

43°54′N 18°24′E / 43.9°N 18.4°E / 43.9; 18.4   Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES