Ang Vajrayana (Sanskrit: literal na "Ang Sasakyang Adamantina" o "Ang Diyamanteng Behikulo") ay isang paaralan ng Budismong unang isinagawa sa Indiya. Magmula sa Indiya lumaganap ito sa Tibet, Monggolya at Butan. Magmula noong aneksasyon ng Tibet na isinagawa ng Republikang Popular ng Tsina noong 1959, ang anyo ng Vajrayana sa Tibet ay kumalat sa maraming mga bansang Kanluranin at nagkamit ng malaking katanyagan.

Ang Vajrayana ay ang pangatlo at nakahiwalay na pangunahing paaralan ng Budismo, ang ibang dalawa ay ang Theravada at ang Mahayana. Nagmula ang Budismong Vajrayana sa Budismong Mahayana. May sariling mga teksto ang Tibetanong Vajrayana Buddhism na nasa mga wikang Tibetano at Sanskrit. Naglalaman din ito ng mas matatandang mga tekstong Mahayana na nasa mga tekstong Sanskrit at ng mga tekstong Theravada na nasa wikang Pali.

Kung minsan, tinatawag ang Vajrayana bilang Budismong Tantriko. Ang gawaing Tantriko ay isang uri ng Budismong Vajrayana, subalit mayroon ding iba pang mga anyo.

Napaunlad ang Vajrayana sa Hilagang Indiya noong bandang ika-7 daantaon. Mayroon itong pangunahing mga pinag-ugatang pilosopikal sa Madhyamika ng Nagarjuna, Chandrakirti at Vijnanavada (kilala rin bilang Yogachara), Chittamatra ng Asanga, at Vasubhandu. Ang pinakabantog na guro ng Vajrayana ay si Guru Padmasambhava, na nagtatag ng unang paaralan ng Tibetanong Budismong tinawag na paaralang Nyingma.

Budismo Ang lathalaing ito na tungkol sa Budismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES