Weifang
Ang Weifang (Tsinong pinapayak: 潍坊; Tsinong tradisyonal: 濰坊; pinyin: Wéifāng) ay isang antas-prepektura na lungsod sa gitnang bahagi ng lalawigan ng Shandong, Republikang Bayan ng Tsina. Hinahangganan nito ang Dongying sa hilaga-kanluran, Zibo sa kanluran, Linyi sa timog-kanluran, Rizhao sa timog, Qingdao sa silangan, at nakatanaw sa Look ng Laizhou sa hilaga. Ang populasyon nito ay 9,086,241 katao noong senso ng 2010, 2,659,938 sa kanila ay nakatira sa built-up ("o metro") area na binubuo ng apat na mga distritong urbano (Kuiwen, Weicheng, Hanting at Fangzi) at Changle County.[1]
Weifang 潍坊市 | |
---|---|
Lugar ng arko ng Tulay ng Dongfengjie Bridge | |
Kinaroroonan ng nasasakupan ng Lungsod ng Weifang sa Shandong | |
Mga koordinado: 36°43′N 119°06′E / 36.717°N 119.100°E | |
Bansa | Tsina |
Lalawigan | Shandong |
Sentro ng munisipyo | Kuiwen District |
Subdivisions | |
Pamahalaan | |
• Kalihim ng Partido | Du Changwen |
• Alkalde | Liu Shuguang |
Lawak | |
• Antas-prepektura na lungsod | 16,143.14 km2 (6,232.90 milya kuwadrado) |
• Urban | 2,646.1 km2 (1,021.7 milya kuwadrado) |
• Metro | 3,746.6 km2 (1,446.6 milya kuwadrado) |
Taas | 32 m (106 tal) |
Populasyon (Senso 2010) | |
• Antas-prepektura na lungsod | 9,086,241 |
• Kapal | 560/km2 (1,500/milya kuwadrado) |
• Urban | 2,044,028 |
• Densidad sa urban | 770/km2 (2,000/milya kuwadrado) |
• Metro | 2,659,938 |
• Densidad sa metro | 710/km2 (1,800/milya kuwadrado) |
• Pangunahing mga kabansaan | Tsinong Han |
Sona ng oras | UTC+8 (Pamantayang Tsina) |
Kodigong postal | 261000 (Sentro urbano) 261300, 261500, 262100, 262200, 262400-262700 (Ibang mga pook) |
Kodigo ng lugar | 536 |
Kodigo ng ISO 3166 | CN-SD-07 |
Mga unlapi ng plaka ng sasakyan | 鲁G & 鲁V |
GDP | CNY 478.67 billion (2014) |
Baybaying-dagat | 113 kilometro (70 mi) |
Websayt | http://www.weifang.gov.cn/ |
Ang Weifang ay may maraming likas at makasaysayang mga pook, tulad ng Hardin ng Shihu (mula pa noong huling bahagi ng Dinastiyang Ming at unang bahagi ng Dinastiyang Qing), Pabilyong Fangong (mula noong Dinastiyang Song), mga sityong posil (kasama ang mga posil ng dinosoro sa Shanwang, Linqu), Pambansang Kagubatang Liwasan ng Bundok Yi, Bundok Qingyun at ang Batis ng Matandang Dragon. Tanyag din ang nakapintang mga limbag-kahoy (woodcuts) pambagong taon New mula Yangjiabu. Pinaglilingkuran ang lungsod ng Paliparan ng Weifang patungo sa maraming mga lungsod ng bansa.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ China: Administrative Division of Shāndōng / 山东省 (Prefectures, Cities, Districts and Counties) – Population Statistics in Maps and Charts. Citypopulation.de. Retrieved on 2015-11-26.
Ang lathalaing ito na tungkol sa PRC ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.