Ang wikang Aleman ay kasapi ng sangay Hermaniko ng napakalawak na pamilya ng wikang tinatawag na Indo-Europeo. Ang kalipunan ng mga wikang ito ay matatagpuang ginagamit sa Europa at malaking bahagi ng Asya. Kabilang dito ang mga salita sa Indiya, Iran, Tajikistan, at Afghanistan at sa kanluran at hilagang Europa. Ang Aleman ay malapit na kamag-anak ng Yiddish, Ingles, Olandes, Suweko, Noruwego, at Danes. Ang Aleman ay ginagamit sa Alemanya, Austria, bahagi ng Unggarya, bahagi ng Republikang Tseko, Liechtenstein at sa hilagang Suwisa. Ito ay may mga diyalekto rin na kinabibilangan ng Hessisch, Schwäbisch, Thüringisch, atbp.

Ang Yiddish, bagaman nagsimula bilang isang halo ng mga dyalektong Hochdeutsch, ay itinuturing ngayon bilang hiwalay na wika dahil sa paggamit nito ng mga standard na naiiba sa Aleman. Ang Yidish ay dinala ng mga Hudiyo sa iba’t ibang bahagi ng Europa nang sila ay pinaalis sa Alemanya noong ika-18 daantaon at mas maaga pa.

Kasaysayan

baguhin

Ang Aleman ay nagsimulang kaisa ng wika ng mga Frangko noong panahong magkasanib ang Pransiya at Alemanya sa ilalim ni Carlos ang Dakila, bandang Gitnang Panahon. Noong ika-12 daantaon, naging wikang pampangasiwaan at pampamahalaan ang Aleman sa lupaing kilala ngayon bilang Alemanya. Nagsimula itong maiba sa wika ng mga Prangko sa bandang Timog (Pransiya) at ang mga taong di-Prangko, tulad ng Alemannen, Bayern, Sachsen, at Thüringen. Pagkatapos ng mahaba-habang panahon, ang Aleman ay nahati sa dalawang uri: ang Plattdeutsch (Mababang Aleman) at ang Hochdeutsch (Mataas na Aleman). Ang katawagang ito ay hango sa antas o taas ng kalupaang kinalalagyan ng mga gumagamit, ayon sa antas ng tubig-dagat. Dahil dito, ang Olandes ay tinawag na Mababang Aleman at ang Aleman ay Mataas na Aleman o payak na Aleman.

Si 'Martin Luther, isang paring agostino, ay kinikilala bilang siyang nagpalaganap, nagpalawig at nagpayabong sa wikang Aleman. Isinalin niya mula sa Latin ang Bibliya na gamit ng simbahang kristyano- ang Bagong Tipan (1521) at ang Lumang Tipan (1534).Dahil dito, naging malawakan ang pagkakilala at paggamit sa wika. Ang pagyabong ng Aleman ay naaayon sa sumusunod na panahon:

  1. 750- 1050—Althochdeutsch (Matandang mataas na Aleman);
  2. 1050- 1350—Mittelhochdeutsch ( Gitnang mataas na Aleman);
  3. 1350- 1650—Fruhneuhochdeutsch (Maagang bagong mataas na Aleman); mulang 1650—Neuhochdeutsch (Bagong mataas na Deutsch).

Mula dito, nabuo ang modernong Aleman.

Si Johann Adelung ang naglimbag ng kauna-unahang diksiyonaryong Aleman. Ang magkapatid namang sina Jakob at Wilhelm Grimm, lalong kilala bilang may-akda ng aklat-kuwentong pambata, ang naglimbag ng malawakang Talasalitaang Aleman. Sa pag-usad ng Repormasyon, ang wika sa timog Aleman na Hochdeutsch (Mataas na Aleman) ay nangibabaw sa Plattdeutsch (Mababang Aleman). Ang wikang Olandes ay galing sa Mababang Aleman.

Noong 1880, si Konrad Duden ay naglimbag ng Talasalitaang Pansulat ng Aleman. Ito ang naging batayan ng pagbaybay (spelling). Noong 1901, nagkaroon ng Pagbabago sa Pagbaybay. Sumunod dito, noong taong 1996 ay inilabas ang binagong Opisyal na Alituntunin sa Pagbaybay ng Aleman.

 
Wikipedia
Edisyon ng Wikipedia sa Wikang Aleman


Mga katangiang sangkap

baguhin

Opisyal na katayuan

baguhin

Ang Aleman sa ngayon ay wikang opisyal na gamit pampangasiwaan, pantanggapan, pangkasulatan, pampanitikan, at pambatas sa Alemanya, Austria, Liechtenstein, Luxembourg at Suwisa.

Kakalatan at kalapatang heograpiko

baguhin

May iba pang nagsasalita nito sa Italyang panig ng Tirol, sa bandang hilaga ng Dinamarka, at sa isang bahagi ng Rumanya. Ito'y wika din ng minoriya sa mga sumusunod, kasunod ang bilang ng gumagamit:

  1. Arhentina—300,000;
  2. Australya—150,000;
  3. Brasil—1,900,000;
  4. Paraguay—200,000;
  5. Rumanya—70,000;
  6. Tsile—40,000;
  7. Italya—350,000;
  8. Poland—185,000;
  9. Unggarya—145,000;
  10. Slovakia-Tseko—50,000.

Sa kasalukuyan sa Tsile, may peryodikong limbag sa Aleman, bunga ng mahalagang papel na ginagampanan doon ng mga may-lahing Aleman.

Balarila

baguhin

Ang wikang Aleman ay gumagamit ng mga kasong gramatikal, at nagbabago ang anyo ng mga artikulo ayon sa papel ng pangngalan. Sumusunod din sa mga pagbabagong ito ang mga nakaangkop na pang-uri. May apat na kasong gramatikal ang wikang Aleman. Ang una ay nominatibo at siyang ginagamit kapag ang pangngalan ay simuno. Ang kasong akusatibo ay karaniwang ginagamit para ipahayag ang tuwirang layon habang ang kasong datibo ay para sa 'di-tuwirang layon. Ang ikaapat, ang kasong henetibo, ay ginagamit para magpakita ng pagmamay-ari.

  NODES