Ang usbong (o stub) ay isang napakaikling artikulo, karaniwang isang talata lamang o mas maliit pa na nangangailangan ng atensiyon mula sa mga tagapag-ambag ng Wikipedia. Nilikha sila ngunit hindi pa sapat ang impormasyon upang maging isang totoong artikulong maituturing. Naniniwala ang komunidad na sa kung bibigyan lamang ng atensiyon ay makokompleto at magiging makabuluhan ang mga stub o usbong. Ito ang unang hakbang upang maging kompletong artikulo ang isang paksa o topic na makatutulong sa pagpapalawak ng nilalaman ng Wikipedia, ang Malayang Ensiklopedya.

Tumulong sa pagpapalawig o pagpapayabong pa ng mga artikulong usbong o stub ng Tagalog Wikipedia. Salamat.

Suleras

baguhin
  • {{Usbong}}, isang payak na suleras na ginagamit sa pagtatatak ng pahinang usbong pa lámang. Maaari itong maging kombinasyon para maging mas angkop sa pahina, lathalain, o paksa; katulad ng {{stub|Tao|Pilipinas|Kasaysayan}}. Sa kasalukuyan, hanggang tatlo lámang ang kombinasyong magagamit; maaari ding panatilihing isa o dalawa lámang kung nais.

Gabay sa paggamit

baguhin

Walang paksa

baguhin

Ang {{stub}} (o {{usbong}}) ay isang pangkalahatang suleras na pang-usbong. Wala itong ibinibigay na parametro.

May paksa

baguhin

Ang {{stub|Pangalan ng Paksa}} ay isang suleras na pang-usbong na nilalagyan ng kung tungkol saan ang usbong sa mga parametro. Pinakamaraming maaaring ibigay ay tatlo. Ang nangyayari riyan ay kapag nilagay halimbawa na ang "Katagalugan", katulad ng {{stub|Katagalugan}}, kinukuha ng suleras ang larawang nakalagay sa Suleras:Stub/Katagalugan. Mangyayaring kailangang gawan ng subpahina (kabahaging pahina) sa Suleras:Stub ang bawat kaugnay na paksa. Para itong {{stub|Pilipinas|Katagalugan}} (o {{stub|Pilipinas|Katagalugan}}), kung saan kumukuha ang suleras ng mga larawan mula sa Suleras:Stub/Pilipinas at Suleras:Stub/Katagalugan.

Mga patakaran sa pagpapaksa

baguhin
  • Para sa mga bansa, gamiting larawan ang kanilang mga bandila.
  • Hinggil sa paglalagay ng mga larawan sa kabahaging pahina, tinatanggal na ang unlaping katulad ng Larawan:, File:, o Image:. Mananatili lamang ang pinakapangalan ng larawan. Bílang dagdag paliwanag: kung gagawa ng subpahina para sa mga paksa, gumawa sa Suleras:Stub/pangalan ng paksa. Ilagay roon ang larawang papupuntahan. Pagbasehan ang Suleras:Stub/Pilipinas, at para sa kadalian, ang gagawinng subpahina ay dapat nagsisimula sa malaking titik Suleras:Stub/'''''P'''''elikula.

Mga umiiral na kabahaging pahina

baguhin
  NODES
os 5