Ang Zambezi (binabaybay ding Zambesi) ay ang pang-apat na pinakamahabang ilog sa Aprika, at ang pinakamalaking dumadaloy patungo sa Karagatan ng India mula sa Aprika. Ang area ng lunas nito ay may sukat na 1,390,000 km² (537,000 mga milya²),[1][2] na bahagyang mas kakaunti kaysa Nilo. Mayroong pinagmumulan ang mahabang ilog na ito na may habang 3,540 mga kilometro (2,200 mga milya) mula sa Zambia at dumaraan ang daloy sa Angola, sa kahabaan ng mga hangganan ng Namibia, Botswana, Zambia, at Zimbabwe, hanggang Mozambique, kung saan bumubuhos ito patungo sa Karagatan ng India.

mapa ng Zambezi

Isa sa mga pinaka kamangha-manghang katangiang-kasangkapan nito ang magandang Mga Talon ng Victoria. Ilan pa sa natatanging mga talon dito ang Mga Talon ng Chavuma na nasa hangganan ng Zambia at Angola, at Mga Talon ng Ngonye, na malapit sa Sioma sa Kanlurang Zambia.

May dalawang pinanggagalingan ng enerhiyang hidroelektriko sa ilog. Ito ang Saplad ng Kariba, na nagbibigay ng kuryente sa Zambia at Zimbabwe at ang Saplad ng Cahora Bassa sa Mozambique na nagdurulot ng kuryente sa Mozambique at sa Timog Aprika. Mayroon ding isa pang mas maliit na estasyon ng enerhiya sa Mga Talon ng Victoria.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Richard Beilfuss & David dos Santos: Patterns of Hydrological Change in the Zambezi Delta, Mozambique. Naka-arkibo 2008-12-17 sa Wayback Machine. Working Paper No 2 Program for the Sustainable Management of Cahora Bassa Dam and The Lower Zambezi Valley (2001). Tinatayang tulin ng daloy = 3424 m³/s
  2. International Network of Basin Organisations/Office International de L'eau: Naka-arkibo 2009-03-27 sa Wayback Machine. "Développer les Compétences pour mieux Gérer l'Eau: Fleuves Transfrontaliers Africains: Bilan Global." (2002). Tinatayang taunang pagpapalabas = 106 km³, katumbas ng karaniwang tulin ng daloy = 3360 m³/s

   Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  NODES
INTERN 2